Tuesday, May 12, 2020

NBI Seized An ABS-CBN Shutdown Protester For Tweeting P50 Million Reward...

Tuesday, May 21, 2019

Kapag House Speaker, Hindi Pwedeng Kahit Ano Na (Cayetano) Lang

Huwag naman sanang gawing parking space o palubag loob ang pagiging House Speaker.

Si Senator Alan Peter Cayetano, sumubog bilang Vice President. Hindi umubra at para naman hindi sumama ang loob, ginawang Foreign Affairs Secretary ni Pangulong Duterte.

Sana nakuntento na, kaso hindi.

Nitong nagdaang eleksyon, tumakbo bilang congressman ng unang distrito ng Taguig kasabay ang asawang si Lani na tumakbo naman sa second district din ng Taguig.

Ayokong sabihing gahaman, pero... Ano ba ang tawag sa walang kabusugan?

Siya, kayo na magbigay ng description dyan.

Hindi biro ang pagiging House Speaker. Kasing importante ito ng pagiging Pangulo, Senate President at Chief Justice.

Ang House of Representatives ang direktang representasyon ng mga mamamayan at sa panahong ito, mas kailangan natin ang lider sa House of Representatives na mapapagkaisa ang iba't ibang mga boses na mamamayan.

Ngayong nabuksan na ang isipan ng mga mamamayan sa katotohanan na pwede naman tayong magkaruon ng federal na pamahalaan at hindi naman talaga kailangang naka-sentro sa Amerika ang foreign policy ng bansa.

Kumbaga, nagising na ang bansa sa tatlumpong taong Aquino regime kung saan sarado ang isipan sa tunay na pagbabago at mga bagong kaisipan.

Ang tanong na lang, eh, bilang isang bansa, where do we go from here?

Malalamang lamang natin yan kung may kakayanan ang House Speaker sa pamunuan at pagkaisahin ang mga congressman ng mga iba't ibang distrito ng bansa.

Ang problema kay Cayetano, heto iyong tipong taong tinitiis pero hindi nire-respeto at tinitingala.

Paano mo ba naman titingalain ang isang taong alam mong balatkayong makabayan pero halatang makasarili talaga ang lahat ng hangarin?

Sa katunayan, may isang mambabatas na taga Mindanao na nanggagaliting sinabi na hindi talaga uubra si Cayetano bilang House Speaker.

Nangilid ang luha ni dating ARMM Gov. Hataman matapos
ipahiya ni Senator Alan Peter Cayetano.
Ayon sa mambabatas, paano ba magkakaruon ng pagkakaisa ang Kamara De Represetante kung ang ilang mga Mindanaon na mambabatas eh tiyak na galit kay Cayetano dahil sa paninindigan nito laban sa Bangsamoro Basic Law?

Huwag naman sanang mataga ng kris sa baba si Cayetano kung iniisip niyang masusuhulan ang mga hinamak niyang dangal ng mga lider ng Mindanao.

Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Mujiv Hataman became emotional at a Senate hearing on Thursday after Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano admonished the Moro Islamic Liberation Front (MILF) for using arms, violence and sometimes even resorting to “terrorist acts.” Video by Cathy Miranda and Ryan Leagogo/INQUIRER.net


Maalala natin na pinahiya ni Cayetano ang dating ARMM Governor Mujiv Hataman matapos mapatay ang tinatawag na SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao.
 


May mga kwento nga na sobrang galit ng mga Mindanaon, nagsunog ang mga tao ng effigy ni Cayetano sa Marawi.

Ayon sa Mindanaon na dating mambabatas, “He hates the idea of a regional power like BARMM. The only reason why he kept silent was because he is AFRAID of President Duterte”

“Alan Cayetano is only for Alan Cayetano, he will not represent Mindanao or even Visayas or even Luzon. He will not be fit to be a House Speaker as he will only find ways to protect himself and his friends in Congress,”

Saturday, November 17, 2018

Todo-todo Panggigipit ng mga Villafuerte sa mga opisyal ng Camsur

Talagang tinatarantando nila Camsur governor Migz Villafuerte at ang ama nitong si Lray Villafuerte ang mga kapwa nilang opisyal sa probinya nila.

Naghahari-harian at nagyayabang ang mag-ama na kung umasta eh hawak nila sa leeg ang lahat ng tao sa kanilang probinsya. 

Isa lamang sa mga issue laban sa mga madalas maakusahan
ng korapsyon na mga Villafuerte.


Puro pang-aalipusta at pananakot ang ginagawa ng mag-amang tig-isa lang ang badudels kapag hindi umaayon sa kanila ang mga taga Camsur.

Lahat ng mga di kanya dito sa camsur na suspend.

Kabilang dito si Libmanan Mayor Bernard Brioso, ang pinuno ng bayan kung saan sinasabi ni Lray Villafuerte na dun siya nakatira. Malamang kumulot ang kilay ni Lray dahil nabistong hindi siya tumitira sa bahay daw niya sa Libmanan na nilagay niya sa kanyang Certificate of Candidacy. Malamang mabasura ang COC ng mapilantik na si Lray.

Bukod kay Mayor Brioso, nadamay din si Mayor Evelyn Fuentebella of Sangay, Mayor Tom Bongalonta of Pili, at Mayor Nelson Bueza of Garchitorena.

At marami pa silang Mayor na tinatakot lalo na sa mga naglakas loob na lumipat sa Andaya dahil di na nila masikmura ang pinagagawa sa kanila ng mga Villafuerte lalo na si Migz Villafuerte na sunod sunoran sa ama na si Lray. 

Si Rene Magtuto na tatakbo ding party-list congressman sa Bicol Saro at si Nonoy Magtuto na tatakbong congressman din ay kasama din sa pagbabalak ng mga masama laban sa kanilang mga kalaban. 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...