Wednesday, March 18, 2009

Ano ba ang bago sa pagbabago na sinasabi ng mga politiko natin?

Ano nga ba?

Naka-anim na beer na ako at hindi gaya ng karaniwang pagkalasing noong kabataan ko, lalo akong napapaisip. Dati puro ako sagot. Ngayon, puro ako tanong.

Ano ba ang bagong pangalan sa politika kung lumang kagawian din ang sinusunod? Ano ba ang bago dun kung ang nakasanayang sistema pa rin ang iiral?

Huwag na tayong maglokohan mga kapatid. Walang bago sa mga sinasabi ng mga politiko kungdi puro luma at bulok na mga ideya.

Philippines 2000, bullshit. Erap para sa Mahirap, ogag. Gloria, double ogag. Gloria ulit, hay! Kelan ba matutoto ang mga Pilipino?

Walang pinagkaiba ang isang Presidente sa mga nakalipas na Presidente ng Pilipinas. Bakit? Kasi hindi nagbago ang mga mamamayang bumoto sa kanila. Lahat umaasa sa direksyon ng ihip ng hangin, lahat naghihintay ng utos, lahat biktima. Walang marunong maningil ng dapat singilin kaya, ang pinuno, hayun! Kung ano ang gusto, nagagawa. Wala sa atin iyong tinatawag na accountability. Tangina, kung kailangan ko pang i-explain kung ano iyong accountability sa inyong mga gung-gong at tai-gong, wala na talaga itong bansang ito.

Ang maka-kaliwa, kinakalawang. Wala nang ginawa kungdi tumutol sa lahat, kahit ano. Lahat ng Presidente gustong pabagsakin, sipain, paalisin.

Maniwala kayo, kapag sila ang nagharing uri sa lipunang ito, ang mismong mga kapatid nila sa paniniwala ang siyang sisigaw at aaklas para sila naman ang paalisin.

Mga mokong!

Ang maka-kanan naman, well. Ewan. May tutoong patriot ba sa kanila? Sige nga, who do you owe your loyalty to soldier?

Sa gitna. Wala din.

So, saan na ba tayo pupunta? Kaliwa, kanan, gitna? Shit. Wala akong ideya at kung meron kayo, mag-comment na lang kayo. Kung wala kayong ideya, well, what's new?

1 comment:

Political Jaywalker said...

meron namang pagbabago..... they just converted NBP into a leisure vacation destination for politicians courtesy of 'Honorable' Romeo 'Pedophile' Jalosjos.....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...