(Revised after anonymous pointed out that Chiz hasn't spent millions on TV ads. Fair is fair, my apologies to the cult worshippers of Escudero.)
Manny Villar, Mar Roxas, Loren Legarda, Jejomar Binay, and Noli De Castro have spent millions and millions of pesos on political TV ads meant to prop up their bid for the Presidency in 2010.
They have exploited a loop hole in the Omnibus Election Code and Fair Elections Act, aided by the Commissions on Elections itself. The provision in the law has basically been construed to mean that if you haven't registered as a candidate, you cannot be charged with premature campaigning.
And yet, it is easy to see that the TV ads they have sponsored are aimed at making their mark as Presidential candidates.
DON'T VOTE FOR THESE PEOPLE.
Milyon milyon na ang ginastos nila Manny Villar, Mar Roxas, Jejomar Binay at Noli De Castro sa mga political TV ads na ang tanging pakay ay manghikayat na iboto sila bilang Pangulo sa 2010.
Pinagpasasaan nila ang mga lusot sa batas na Omnibus Election Code at Fair Elections Act, tinulungan pa ng pagtanga-tangahan ng Commission tuwing Elections. Ang sabi daw ng batas, hindi daw premature campaigning ito kasi hindi naman sila rehistradong kandidato.
Pero, hindi tayo mga tanga, alam natin na ang mga TV ads nila ay isa lang ang pakay: ang maihalal sila bilang pangulo.
HUWAG NIYONG IBOTO ANG MGA ITO.
7 comments:
uy pare, o mare ka ba, wala pa milyong gastos si Chiz sa ads niya siya ang binayaran sa ads na circulan, itama lang kita, mali ang promo mo rito eh..siya ang binayaran para makita siya sa tv ng mga fans niya hehehe at ng circulan customers...
pero tama ka kay Boy itik at Boy bawang ,Loren Sinta, milyones na ang gastos nila sa ads, na-compute ko na nga eh kung 120T sweldo (tama kaya eto?) ng pres base sa standardization rate sa susunod na taon, isang taon 1.44M, sa loob ng 6 years, 8.64M tapos sila milyon na ang gastos, simple matik lang yan paano kaya nila yan mababawi hehehe. SI Boy Itik -300M plus na si Boy Bawang 150M na sa ads...hala magkadabasag na bungo ng mamamayan kaka compute paano nila ito babawiin sa atin PAANOOOOOO? kaya di ko talag iboboto si Manny, Mar, Loren diyan pagbibigyan kita!
Tama ka nga, ni-revise ko na itong post na ito. Oks ba?
panu po ung old post ninyo, nirevised nyo rin po ba? marami na kc naka basa nun!! sana next time, be careful, scrutinize befor making any blog , ung credible talaga, may basehan, Chiz has no tv add yet , but continue to top the surveys, so i suppose, di na kelangan ni chiz ng commercial ads sa tv, lamang na lamang na xa eh, di pa man nagdedeclare ng candidacy
anyway, we'll continue to visit ur site, as long as true and credible ang mga write ups nyo, but as i said, be careful !!
Okay Pare o Mare :-), sakto na tayo ng alam..salamat sa pagtama mo...basta consistent di ko iboboto ang mga istorbo sa panunuod ko ng mga soap sa mga TV..nagdidibersyon ang mga manunuod tapos mga mukha nila babalandra sa commercials...
Mga plastik ang mga yan na animo'y bayani ng mamamayan,ngayon lang naman sila nagpapakabayani sa mga commercials nilang ginastusan nila ng milyon.
Sana si Boy Bawang, noon pa niya sinabing LALABAN TAYO, pag upo pa lang niya sa pagkasenador noong 2004 hindi yung silent type siya at lately lang naghihiyaw ng paglaban. Tatlong taon siyang tumahimik, nakiisa pa sa EVAT tapos ngayon sisigaw ng LALABAN tayo. Atapang niya magsabi lalaban tayo sa ibang presidentiables, eh hindi nga siya maka-top sa mga surveys, consistent kulelat siya sa kabila ng santambak na ads niya at santambak na padyak at groceries na pa raffle nila sa mga areas na pinupuntahan niya ng syuta niya na gurang na rin.
Malamnang kung mag Top siya sa mga susunod na surveys nagbayad na yan sa mga isusurvey na tao.
Sana minsan pang rumampa ang mga presidentiables sa isang forum, at pag pinawalan ule ni Boy Bawang ang walang kamatayang LALABAN TAYO na animo'y hinihika siya sa pagbigkas, sana mapikon si Erap kasi isa siya sa hinahamon ni Boy Bawang, at bigla na lang siya sapakin ni Erap, yun patok yun sa takilya. Anyway, sanay naman si Erap sa loob eh :-)
Tapos si Itik me bago ule ads, pa jologs siya, tanda na niya, rakista pa ata ang lolo ng mag itik. Dati pa melodrama pa na corned beef ba yun, dapat tuyo at noodles ang ginamit nila kasi ang tuyo ang pambansang pagkain ng nga dukha sa bayan natin.Palpak din ads niya di ka maaawa, kundi mababanas ka. Maski tumulay pa siya sa alambre o kumain siya ng apoy, malamang batuhin ko na lang ang TV ko kaysa laging mga mukha nila ang iistorbo sa paglilibang ko.
Ang kakapal nila yun lang.
Salamat sa espasyo. Huwag na lang tayo manood ng TV kung sasayangin lang nila oras natin sa paulit ulit na drama nila sa mga ads nila.
Sa uulitin. Salamat.
ang dami niyo talagang mga fans ni Chiz ano?
Sige, hayaan niyo, next time bubusisiin ko ang mga malapalabok na sagot ni Chiz sa mga tanong sa kanya tungkol sa pagtakbo niya bilang Presidente.
Walang pikunan ha!
I totally agree with you but then you (we) could be classified as thinking burgis already compared to 75% of Filipino voters who have not earned a college degree and 42% of voters who belong to the informal sector (2003 voters profile COMELEC). Those are the people that will decide who wins - not us. And, those cheesy ads resonate with them.
On the other hand, what do you make of a presidential wannabe who is out in Commonwealth avenue directing traffic during the SONA yesterday? My instinctive reaction comes out with the word "OA".
Thank you for dropping by Roundstone.
What do I think of Bayani Fernando?
We still have monstrous traffic jams all along Quezon Avenue, our streets still get flooded after a few minutes of rain, and Public Utility Vehicles are still unruly.
How's Marikina City?
Just recently, the City decided to open up Provident Village to make another access route towards SM Marikina.
Personally, I think it is a bad idea and impinges on the rights of home owners in the adjoined villages as it exposes village home owners to the risk of increased petty crimes as well as pollution.
Also, a good leader ought to be able to take into consideration and be able to resolve divergent views on vital issues concerning the state.
Post a Comment