Ipinagmamayabang ni Senator Manny Villar na number one siya sa SWS survey kung saan pitong libo ang sumagot sa naturang survey at pinili siya bilang kanilang choice sa pagka-Pangulo.
Wala akong duda na tutoo ang survey na ito. Tunay na tunay na si Villar nga ang number one choice sa pagka-Pangulo at siguro, kung gagawin ang halalan bukas, tiyak mananalo ito.
Kahit na sabihing ginamit niya ang kanyang posisyon at impluwensya bilang mambabatas upang maibenta sa pamahalaan ang lupain niya sa Las Pinas na dadaanan ng C-5.
Kahit na sabihing corrupt ito at kumurakot ito ng P 1 Billion sa pagpapagawa ng C-5. Kahit na sabihing balimbing ito o kakampi ng dalawang nagbabanggang Presidente na parehong corrupt.
Kahit na sabihing wala itong nalalaman sa pagpapatakbo ng pamahalaan bilang ehekutibo.
Kahit na sabihin na huwad ang pagpapakita nito ng sipag at tiyaga, na peke ang kanyang pakikitungo sa mahirap na mamamayan, at kaplastikan ang pinapakita nitong pakikidalamhati sa mga OFW.
Sa kabila ng walang saysay nitong lideratura sa Kongreso at Senado, ihahalal pa rin si Villar bilang pangulo ng bansa.
Pinapatunayan ng SWS survey na wala nang gagaling pa kay Villar sa pambibilog ng ulo ng tao. Wala nang gagaling pa kay Villar sa panloloko at pang-gugulang sa kapwa. Wala nang dadaig sa kanya sa pagsisinulanging at pang-oonse.
Number 1 nga eh. NUMBER ONE!
Pinapatunayan din ng SWS survey na 1,540 sa 7,000 na sumagot sa SWS survey ay pawang mga tanga at gungong, madaling maloko at nagpapaloko, at hindi marunong mag-isip ng tama.
Bakit nga ba nila pinili si Villar bilang Pangulo? Maniwala kayo o sa hindi, pinili nila si Villar kasi araw-araw nilang nakikita sa TV, nadidinig sa radyo, at nababasa sa diyaryo. Nung tinanong sila kung sino ang dapat maging Pangulo, hindi na sila nag-isip at nilagay na lang ang pangalan ni Villar kasi iyon lang ang natatandaan nila. Ganun lang kasimple.
Kaya, tiyak! Pagdating ng Mayo 2010, si Villar ang pipiliin ng karamihan ng mga Pilipino.
Tapos niyan, ang tangang mga Pilipino eh magtataka kung bakit pangit pa rin ang takbo ng buhay nila.
Magtataka sila kung bakit kahit anong sipag at tiyaga nila, hindi pa rin sila umaasenso.
Magtataka sila kung bakit ang laki sa mahirap na si Villar ay napakayaman pero sila nanatiling mahirap pa sa dagang kumakain ng basura sa kanal.
Magtataka sila kung bakit pangit pa rin ang edukasyon, hindi sila makabili ng sapat na pagkain, nakatira pa rin sa barong-barong, biktima lagi ng taunang sakunang dulot ng bagyo, biktima ng karahasan ng giyera at krimen sa langsangan.
Magtataka sila... Hanggang ganun na lang... Titingala sa langit o di kaya mag-aaklas, pero, sorry na lang sila at wala na silang magagawa.
No comments:
Post a Comment