Wednesday, August 05, 2009

Wowowee SCANDAL: Willie Revillame binastos si Tita Cory

Sa kalagitnaan ng kanyang show, waring SCANDAL ang pagpatanggal sa Wowowee ni Willie Revillame ang pagpapakita sa live video footage ng burol ni dating Pangulong Cory Aquino.

Malumanay ang salita ni Willie at mukhang nakikiusap pero dama ang pagkainis nito sa traffic controller ng ABS-CBN.

Sabi niya, tanggalin ang video ng burol ni Cory kasi hindi niya maipagpatuloy ang kasiyahan ng kanyang show. Tuloy ang mala-scandal na pag-giling ng mga babae sa show niya! Tuloy ang ligaya at ang nakakainis pa dito, PINALAKPAKAN PA SIYA.

Panuorin niyo ito:



Sa kalagitnaan ng pagdadalamhati ng ISANG BUONG BAYAN dahil sa pagpanaw ng isang DAKILANG LIDER ng DEMOKRASYA sa PILIPINAS at SA BUONG MUNDO, sumingit lang ang Wowowee ni Willie Revillame.

Siguro mas mabuti kung kinansela na lang ang paglabas ng kanyang show sa araw na iyon. Tutal, ano lang naman ba ipinapakita niya araw-araw?

Ano ba ang kahanga-hanga sa show ni Willie Revillame? Iyong mga dancer niyang nakaluwa na suso at singit? Iyong pang uuto niya sa mga audience ng show niya? Iyong halos pagsasampal ng pera sa mga contestant na pinagmumukha silang mga takaw gutom at takam na takam sa pera?

Ano ba kapaki-pakinabang sa Wowowee? Ano ba ang mga values ng estasyon na ito na ipinapakita ni Willie Revillame BILANG HUWARAN?

Nakakatulig man ang pagluluksang ginagawa ng buong bayan dahil sa pagpanaw ni Cory, dapat siguro bigyan natin ng daan.

Pero hayaan mo Willie Revillame, pagnamatay ka, sana hindi ka bigyan ng live coverage ng estasyon mo. Lalong lalo na, at isipin mo ito, MALALAOS KA RIN. Mabuti na lang at matibay ka dahil sa kabila ng mga SCANDAL mong kinasangkutan, may career ka pa rin.

Pagdasal mo na lang na mabiyayaan ka pa ng pera sa mga susunod na mga taon at sana manalo nga iyang padrino mong si Manny Villar.

29 comments:

Andro said...

Eh ano ba naman ang maaasahan mo sa taong ito? Kung tao nga siyang maituturing.

Darating din ang panahon na muling dadapa ang taong ito. Sinabi ng mga nakakatanda na masama ang maghangad ng di mabuti sa kapwa. Hindi ko hinahangad ito para kay Revillame. Ngunit ang mga tulad niya ay di dapat tularan dahil sa kanyang buktot na pamamaraan at balatkayong pagtulong sa larangan ng mas maraming salapi.

Kung siya ay tunay na nakiki-isa sa pagdadalamhati ng bayan, maaari naman niyang gawing makabuluhan at hindi kailangan ipakita ang pag-giling-giling ng halos hubad na kababaihan sa kalagitnaan ng katanghalian. Harinawa'y magising na ang taong ito sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat para sa kanya.

betterphilippines said...

i saw the video and i think he was just pointing out the strangeness and inappropriateness of showing his program simultaneous to the live feed of mrs. aquino's funeral procession.

it strikes me more as a criticism of abs-cbn's failure to choose between showing a somber event or a "happy" program.

however, his sentiment did not come out as nicely as it should have. it came across as more of a tantrum and it did seem like a sign of disrespect toward mrs. aquino in some parts.

just my opinion.

Anonymous said...

buti na lang di ko pinapanood ang walang kakwenta-kwentang show na ito. baka ngayon wasak na ang tv ko. nakakataka kung bakit patuloy na nagre-rate itong programa'ng ito na sa totoo nama'y nakaka bobo. wala na ba talagang maka isip ng alternatibo ang mga magagaling at may malalaking sweldong creative writers at producers ng abs-cbn?

Anonymous said...

sana di na lang sya nagshow forever and ever...totoong tao nga sya...totoong walang kwenta at arogante pa. yung pananalita nya di dapat sa hosting kung di sa bangketa.wala naman talaga nanonood nyan. napakabastos at walang galang e2ng si Mr. Revillame.puro pera2x nasa utak nya. di naman talaga siya nagbibigay ng saya kung di problema sa estasyon nya. I can't find any MORE reason after all the scandals and the shame this scum brought on tv ABS-CBN did not do anything. it reflects and affects the company image/values.wala na talaga syang goodwill na maibibigay. for Heaven's sake ABS_CBN scrap that Wowowee GArbage show. tanggalin mo na ang iyong MASKARA Willy.

Anonymous said...

Ganyan ang mga taong tingin sa sarili nila angat na angat na sila sa katayuan sa buhay!!

Anong problema dun kung ilalagay yung nangyayari kay cory, eh di huwag siyang tumingin sa monitor, magfocus siya sa pagsasaya!
Eh, kaso VAIN na VAIN itong taong ito kaya hindi maiwasan tumingin sa monitor para tingin sarili niya!

Tama si Andro, dadapa din ang taong ito at matauhan sa pinagsasabi niya! Akala siguro niya tama yung ginawa niya habang on-air siya! Pwede namang sabihan niya ang mga gumawa noon habang nagko-commercial!

Anonymous said...

ikaw na willie ka nangyari lang na walang choice ang sambayanang pilipino sa palabas sa tanghali. kaya tinatangkilik ka ng tao. mga taong walang choice. over exposed kana kulang ka sa talent sa pagkukunwari ang galing mo. huli ka ng langit wala kang pinag aralan kung ginawa mong tribute yon para sa namayapang nagsisilbing ina ng demokrasya matutuwa sana kami. pagmatanggal ka ngayon tandaan mo wala ng susunod na kapatawaran ang ibibigay sayo. bobo ka.

pinoy said...

Ewan ko sa inyo. ang ayos ayos ng pakiusap ni willie.. binibigyan nyo ng masamang kahulugan.

sobra kayong mga santo. kala nyo kung sino kayong magagaling.

kampon ata kayo ni joey.

Anonymous said...

maaring tama ang intensyon ng mokong na si wr, pero maling mali ang paraan, for me, bastos talaga ang manner and he said it with contempt. sana off d air na lang niya sinabi. pero di niya alam ito kasi utang munggo ang taong ito.

agree ako kay anonymous, wr negates the image/values of ABS CBN. sa kabila ng napakasamang imahe at ugali ng taong ito, they continue to air his show. siguro, balak patakbuhin na politiko later para maprotektahan pa ang business interests ng mga lopezes.

opinyon ko lang po ito.

Anonymous said...

lumalaki na ang ulo ni willie ngayon!,, sa tingin niya bossing na siya ng ABS-CBN.

Anonymous said...

Lumalaki na ang ulo ni willie ngayon, sa tingin niya bossing na siya ng ABS-CBN,, kung napapansin nyo sa mga shows niya sa wowowee,, hindi na siya katulad ng dati..

Anonymous said...

The ABS-CBN should have called off the Wowowee progam in respect to Tita Cory's burial. That burial is just once but Wowowee is a daily show in the weekdays. Could not ABS-CBN sacrifice by not showing Wowowee just for one day? What do you think? Is Wowowee show that important that it couldn't be cancelled during important event of the country? Judge for yourself!!!

Alan 01 said...

For all intent and purposes, this letter aims to articulate the anger and hatred we, Filipinos here in Yanbu, Saudi Arabia feel towards Willie Revillame and the dissatisfaction over the shabby treatment of ABS-CBN towards Willie’s callous remarks to the very person we adore so much, Madam President, Cory Aquino.



As paying TFC subscribers, we expect nothing but the best services ABS-CBN could offer us, nothwithstanding, the entertainment ones being fed to us. However, for the past several years, we have seen how your TV host, Willie Revillame used his TV show to showcase his worst attitude problem in front of the camera. We managed to accept those unacceptable manners until that fateful day when all of us are still mourning with the passing away of our beloved Cory do we hear such offensive and distasteful remarks over the flashing on screen of what we were more interested to follow then, the news on Cory’s funeral cortege to Manila Cathedral.



Such display of ill manners do not deserve to be seen on screen worldwide. It is like tolerating your talent to whatever he wants to do or say without being reprimanded at all by the management.



There is now a worldwide clamor for the ouster of Willie Revillame from his TV show to make him understand the extent of his bad behavior. No amount of apologies can we restore what has been damaged. Willie does not and will never epitomize the kind of charities that he disguises in the form of his TV show…. a mockery of what a true public service that he is flaunting around here and there.



A mud even covered with the most precious stones can not be camouflaged with its shining shimmering splendor…..it will only show later on, its true color. Revillame has done enough damages several times before, over and over again, even caused the death of 71 people in the ULTRA stampede. How much more the ABS-CBN can take? Will CEO, Gabby Lopez remains hostile to the many abuses of this man who flaunts his power, fame and fortune every now and then??? Will he remains silent to the disgraceful act that his ward committed against the very person who gave his family’s empire back to them? For all we know, one day soon, he will wake up, with a reality that say, WILLIE REVILLAME, NEW ABS-CBN, CEO…… what a way of LIFE!

Anonymous said...

Di'ba nakapatay na ng ilang tao ang show na ito?

Kailan pa ba pinayagan na ang noon time show ay classified "Parental Guidance" di ba dapat hangang "General Patronage" lang ang noon time ant early evening shows?

Anonymous said...

GANYAN TALAGA YAN BUGOK NA YAN!!! D KO NGA ALAM KUNG BAKIT ANG LAKAS LAKAS NIYAN SA ABS-CBN. SIGURO MAS BUGOK SILA!!!

sweetbayag said...

bossing link exchange po pls.
http://deathbyporno.blogspot.com

thanx & more power

Anonymous said...

i hate willie after kong napanuod un...duh ang laki ng ulo nya..duh feeling nya boss xa ng abs...my god!

Anonymous said...

I don't see why Willie should be exempt from blame in this case. He is the host of a show supposedly watched by millions - and with that comes a gargantuan responsibility. Blame the director, the crew - fine, blame them all. But to say Willie should not be blamed, come on. There are a hundred ways to skin a cat - granting that he had a point, that point could have been made more tactfully, more diplomatically, without offending an entire nation grieving the loss of a great leader. But Mr. Revillame, in a manner so characteristic of him, opted to throw his weight around, as if to show everyone that he is, afterall, BOSS.
Shame on you, Willie.
And much greater shame befall those who find nothing wrong with what he did.


It's not enough that we get mad at Mr. Revillame.
Do something.
http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly&1

Dennison Uy said...

Personally, I think Willie Revillame has all the right to make a request because after all Wowowee is his show. However, I think he should have been more cautious and he should have made the request off the air.

Anonymous said...

His time will come.

Anonymous said...

I don't know why we should let our kids watch that noon time show, it's just a crap. Making fun of all their contestants in exchange of money, it's degrading. Willie has no manners.

Anonymous said...

let's wait and see kung may dangal pang natitira ang abscbn at ibabalik na naman nila tong baboy na ito on screen,matapos syang gumawa ng kung ano ano kabastusan on air.and let's hold abscbn responsible for all of this anyway willie is only their talent or buyer of air time dos pa din ang may final say. alam nyo sa history ng tv sya lang ata ang may pinakamadami hate campaign, may kahihiyan ba tong taong ito, wala nga siguro kasi tinolerate din ng pinoy at pinapamper imagine pinalakpakan pa OMG

Anonymous said...

ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO WILLIE,
ALA KA NAMAN KARAPAPAT IPATANGGAL YAN. PASALAMAT KA NGA AT PANALABAS PA YANG SHOW U,KAHIT NA NAGLUKSA ANG BUONG BANSA KAY TITA CORY....
BAD KA,
MASAKIT SA AMIN MGA TIGA CAVITE GEN.TRIAS ANG GINAWA U....
MABUTI PA NA MAGPAHINGA KANARIN,
MARAMI NAMAN NA PWDNG PUMALIT SAU SA SHOW NA YAN,,
BASTOS KA PARA KNG ALANG PINAG ARALAN...

Nico Robin said...

I agree with betterphilippines. Willie was right and at the same time, wrong. Why?hindi naman talaga appropriate na ipalabas ung funeral procession sa program nya db kc nga noon time show un dapat happy lahat. Mahirap kaya magpasaya ng tao. Ok yong request ni Willie pero sana off air nalang niya sinabi yon para safe diba. Pero all in all, my point talaga siya. Example baliktarin natin ang situation, kunyari merong burol or namatayan kau tapos magpapalabas kayo ng comedy video o movie o whatever. Diba ang pangit?

Dapat sana naisip ng ABS na dapat bang isingit ang live feed sa show o hindi OR nag day off nalang silang lahat para walang show on that day, db? =)But the damages have been done. So, goodluck! Just an opinion. Ang magalit, pangit.

Anonymous said...

hindi ka dapat mag ganyan kapatid...ikaw kung naiingit ka mag sikap ka...ang tagumpay ng isang tao ay hindi nakukuha sa ingitan.alam ng mga tao kung anong mali at tama kay willie.at sa kanyang show...bakit parin pinupuri ang show well dahil sa mga baloktok ninyong paniniwala.pasensya na kayo.at mawalang galang napo sa inyo...but i can say that your a bubu...mas mabuti sayo ipagpatuloy mo na lang yong mga magandang ginagawa mo wag kang magkomento ng kung ano ano na hindi na mabuti sa kapwa mo.pasensya napo... that is reality now....problema na ninyo...yan na inggit kayo.Pinoy man tayo dapat supportahan tayo....

Anonymous said...

eto ang solusyon...

http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly&1

Anonymous said...

what else can you expect from this kind of host..Who whines that his show was degraded by showing snippet of Late Pres. Cory Aquino Cortege.He should be banned fr hosting any tv show he should go back to school and to learn some respect and humility.He thinks he owns the network by wat he jaz acted..MALALAOS KA RIN..

Anonymous said...

Demyu Willie, nuka napalamo Bordz?

Lyn L.V. said...

Tigilan nyo na yang kapo post ng comment para lang masira si Willie, kung magsalita kayo akala mo kayo mga perpektong tao.

Simple lang naman yon kung matalino kayo no.. alam nating lahat ang ibig sabihin ni Willie.. yong delivery niya lang amg medyo tagilid.

Pero kung ikaw eh taong may pinag aralan at pinanonood mo lagi si Willie sa Wowowie pwedeng pwedeng palampasin yon eh..sa dami ba naman ng mga nagawang kabutihan ni Willie ..kahit pa sabihin mong may bayad siya don sa show.. kahit pa! tumutulong pa rin siya sa pagpapasaya sa buong mundo.. sa mga pinoy sa ibang bansa na nalulungkot.. sa mga maysakit.. nagbibigay ng mga kailangan ng mga mahihirap kagaya ng tv, electric fan , etc ( di man sa kanya galing yon eh regalo naman sa kanya at ibinabahagi niya sa iba ). Sinusubukan niya na maipakita yong talent ng ibang tao sa tv para mabigyan ng break.. minsan kahit wala na sa program nila ginagawa pa niya, nagbibigay siya ng pagkakataon na mapag aral ang ibang mga kapos sa pera para ibayad sa pangmatrikula, tapos sa isang pagkakamali lang ganyan na kayo? sabihin na natin na nagkamali si Willie kung matatawag nyo ngang pagkakamali yon.. may punto naman siya.. paano ka magho host para pasayahin samantalang nakikita mo ang libing ng dating pangulo? pede bang di ka tumingin sa monitor? eh san siya titingin sa semento? Ang tanga don eh yong nag ere ng libing ni Cory.. dapat di niya isinabay sa kasayahan.. ang inipit niya don eh si Willie!

Okay pagkakamali yong matatawag sa isipan nyo. So? di ba kayo pwedeng magpatawad? Yan ba itinuro sa inyo sa simbahan, ng mga magulang nyo at ng dating pangulong Cory Aquino? ang magdiin pa at parusahan ang di sinasadya na nagkamali? Di ba dapat patawad at pang unawa? Sa dami ng nagawa niyang kabutihan sa kapwa pilipino... isang pagkakamali lang ganyan na kayo?

Kakahiya kayo!

kung magsalita kayo talo nyo pa Diyos kung humusga. Punta kayo sa bahay ni Kuya sa PBB.. maraming salamin don.. tumingin muna sa sarili at pansinin nyo mga mali nyo sa buhay.. baguhin yon.. bago iba idiin mo at ilubog!

Kuya Willie dont worry IDOL pa rin kita.. I love you kuya!


Lyn L.V

Metrogate Subdivision
Sta Rosa City
Laguna

Lyn L.V. said...

Tigilan nyo na yang kapo post ng comment para lang masira si Willie, kung magsalita kayo akala mo kayo mga perpektong tao.

Simple lang naman yon kung matalino kayo no.. alam nating lahat ang ibig sabihin ni Willie.. yong delivery niya lang amg medyo tagilid.

Pero kung ikaw eh taong may pinag aralan at pinanonood mo lagi si Willie sa Wowowie pwedeng pwedeng palampasin yon eh..sa dami ba naman ng mga nagawang kabutihan ni Willie ..kahit pa sabihin mong may bayad siya don sa show.. kahit pa! tumutulong pa rin siya sa pagpapasaya sa buong mundo.. sa mga pinoy sa ibang bansa na nalulungkot.. sa mga maysakit.. nagbibigay ng mga kailangan ng mga mahihirap kagaya ng tv, electric fan , etc ( di man sa kanya galing yon eh regalo naman sa kanya at ibinabahagi niya sa iba ). Sinusubukan niya na maipakita yong talent ng ibang tao sa tv para mabigyan ng break.. minsan kahit wala na sa program nila ginagawa pa niya, nagbibigay siya ng pagkakataon na mapag aral ang ibang mga kapos sa pera para ibayad sa pangmatrikula, tapos sa isang pagkakamali lang ganyan na kayo? sabihin na natin na nagkamali si Willie kung matatawag nyo ngang pagkakamali yon.. may punto naman siya.. paano ka magho host para pasayahin samantalang nakikita mo ang libing ng dating pangulo? pede bang di ka tumingin sa monitor? eh san siya titingin sa semento? Ang tanga don eh yong nag ere ng libing ni Cory.. dapat di niya isinabay sa kasayahan.. ang inipit niya don eh si Willie!

Okay pagkakamali yong matatawag sa isipan nyo. So? di ba kayo pwedeng magpatawad? Yan ba itinuro sa inyo sa simbahan, ng mga magulang nyo at ng dating pangulong Cory Aquino? ang magdiin pa at parusahan ang di sinasadya na nagkamali? Di ba dapat patawad at pang unawa? Sa dami ng nagawa niyang kabutihan sa kapwa pilipino... isang pagkakamali lang ganyan na kayo?

Kakahiya kayo!

kung magsalita kayo talo nyo pa Diyos kung humusga. Punta kayo sa bahay ni Kuya sa PBB.. maraming salamin don.. tumingin muna sa sarili at pansinin nyo mga mali nyo sa buhay.. baguhin yon.. bago iba idiin mo at ilubog!

Kuya Willie dont worry IDOL pa rin kita.. I love you kuya!


Lyn L.V

Metrogate Subdivision
Sta Rosa City
Laguna

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...