Sunday, November 14, 2010

Tayo, hindi sila... (Liham para sa mga kapanalig ni Ben Totanes)

Dear Ben,

Nawala ba ang pinaghirapan mong itatag na Fan Page para kay Presidente Noynoy Aquino?  Well, that's the way it goes... Ganyan talaga ang politika... Gamitan.  Parang showbiz without the sex tapes.

Sana itong paglalahad mo nang hinanakit eh hindi matulad sa pekeng drama ni Reyn Barnido. Naalala mo ba siya? Oo, siya iyong Public Relations daw na nakipag-kontsaba sa communications group rin ng Malakanyang para kunyari magsasabi ng hinanakit tapos sasagutin kunyari ni Presidente Noynoy Aquino.

Pero, alam mo, kung tutuusin, parang walang pinagmumulang malaking at malalim na isyu itong pagkawala ng Fan Page na binuo mo.

Unang-una, chong, pangalan ni Noynoy Aquino ang nasa-Fan Page at hindi ikaw si Noynoy.  Hindi naman siguro sisikat iyon nuong panahong iyon kung pinangalanan mo itong Ben Totanes Support Group for Noynoy Aquino.  Sa tingin ko, alam mo malaki ang magiging online traffic para sa Benigno Noynoy S. Aquino III at iyon ang ginamit mong pangalan para sa Fan Page.  Gayong nasa larangan ka ng internet, alam mo siguro kung ano ang magiging value nitong online asset na ito.

Pangalawa, nung binuo niyo iyong Fan Page na iyon, eh binuo niyo ito bilang alay at tulong na libre para sa taong sa tingin niyo ay karapat-dapat maging Pangulo ng bansa.

So, ngayong kinuha na ni Noynoy ang talagang kanya at ang inalay niyong produkto ng inyong pagsisikap, bigla naman kayong nguma-ngawa.

Tingin ko, iringan lang niyo ito ni Sonny Coloma at patuloy lang ito ng bangayan ng mga grupong naglalaban para sa atensyon ni Noynoy.

Sa tingin ko, mahihilot ka ng mga galamay ni Noynoy at siguro, kung may asim ka talaga, baka may i-offer sa iyo para manumbalik sa kung anumang pwesto ang meron ka dati. 

LQ lang iyan, ikanga.

Anyway, kung ang dahilan sana ng pag-alis mo kay Noynoy eh iyong katotohanan na wala talaga siyang leadership ability at nagpapagamit rin lang sa interes ng iba (o para proteksyunan ang sariling interes), eh siguro mas makakabilib nga.

Pero, sa ngayon, tamang duda ako eh.  

Sensya na chong.  Prangkang usapan lang.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...